Pagsusuri ng Aytem

Ipinapakita ng manghad na ito ang prinosesong datos ng pagsusulit sa isang paraan na angkop sa pagsusuri at paghatol sa naging pagganap ng bawat tanong sa pagtatasa. Ang mga pang-estadistikang parameter na ginamit ay kinukuwenta alinsunod sa paliwanag ng klasikal na teoriya ng pagsusulit (ref. 1)

Indeks ng Kadalian (% Wasto)

Sukat ito ng kung gaano kadali o kahirap ang isang tanong sa mga umeeksamen. Kinukuwenta ito na:
IK = (Xkatamtaman) / Xmaks
kung saan ang Xkatamtaman ay ang katamtamang marka na nakamit ng lahat ng user na sumagot sa aytem,
at ang Xmaks ay ang maksimum na marka na makukuha para sa aytem.
Kung ang mga tanong ay maipapamahagi nang dalawahan sa wasto/mali na kategoriya, ang parameter na ito ay katumbas ng bahagdan ng mga user na sumagot nang tama sa tanong.

Standard Deviation (SD)

Sinusukat ng parameter na ito ang latag ng mga sagot sa populasyon ng mga tugon. Kung sumagot ng parepareho ang lahat ng user, ang SD=0. Ang SD ay kinukuwenta bilang pang-estadistika na standard deviation para sa mga sampol ng hatimbilang na iskor (nakamit/maksimum) sa bawat partikular na tanong.

Indeks ng Diskriminasyon (ID)

Nagbibigay ito ng malubay na panukat ng pagganap ng bawat aytem sa paghihiwaly ng mahusay vs. digaanong mahusay na user. Ang parameter na ito ay kinukuwenta sa pamamagitan ng: una, paghahati sa mga mag-aaral sa tatlong bahagi batay sa pangkalahatang iskor sa pagsusulit. Pagkatapos ang katamtamang iskor sa sinusuring aytem ay kukuwentahin para sa itaas at ibabang grupo, at ang mga katamtamang iskor ay pagbabawasin. Ang pangmatematika ekspresyon ay:
ID = (Xitaas - Xibaba)/ N
kung saan ang Xitaas ay ang kabuuan ng hatimbilang na marka na (nakamit/maksimum) na nakuha para sa aytem ng 1/3 ng mga user, na siyang may pinakamatataas na marka sa buong pagsusulit (a.b. ang bilang ng wastong sagot sa pangkat na ito),
at ang Xibaba) ay ang analog na kabuuan ng mga user na may mababang 1/3 ng mga marka para sa buong pagsusulit.

Ang parameter na ito ay maaaring magkaroon ng mga halagang nasa pagitan ng +1 at -1. Kapag ang indeks ay mas mababa pa kaysa 0.0 nangangahulugan na mas maraming mahinang mag-aaral ang nakakuha ng tama sa aytem kaysa sa mas mahusay na mag-aaral. Ang mga ganitong aytem ay dapat itapon dahil walang silbi. Sa katunayan, binabawasan nito ang accuracy ng pangkalahatang iskor para sa pagsusulit.

Coefficient ng Diskriminasyon(CD)

May isa pang sukat ng kapangyarihang ng aytem na maghiwalay ng mga mahusay at mahinang mag-aaral.
Ang coefficient ng diskriminasyon ay isang correlation coefficient ng mga iskor sa aytem at sa buong pagsusulit. Dito ay kinukuwenta ito na:
CD = Kabuuan(xy)/ (N * sx * sy)
kung saan ang Kabuuan(xy) ay ang kabuuan ng mga produkto ng deviation para sa iskor sa aytem at pangkalahatang iskor sa pagsusulit,
N ang bilang ng mga sagot sa tanong
sx ay ang standard deviation ng mga hatimbilang na iskor para sa tanong at,
sy ay ang standard deviation ng mga iskor sa pagsusulit bilang kabuuan.

Maaari rin magkaroon ng mga halaga na nasa pagitan ng +1 at -1 ang parameter na ito. Ang ibig sabihin ng mga positibong halaga ay talagang naihihiwalay ng aytem ang mga mahusay na mag-aaral, samantalang ang mga negatibong indeks ay tinutukoy ang mga aytem na mas nasasagot ng may mas mabababang marka. Ang mga aytem na may negatibong CD ay sinagot nang mali ng mga bihasang mag-aaral kung kaya't lumalabas na parusa ito sa mga mahusay na mag-aaral. Dapat iwasan ang mga aytem na iyon.
Ang bentahe ng Coefficient ng Diskriminasyon laban sa Indeks ng Diskriminasyon ay ginagamit ng nauna ang impormasyon mula sa buong populasyon ng mga mag-aaral, hindi lamang ang dulong taas at baba na ikatlong bahagi. Kaya ang parameter na ito ay maaaring mas sensitibo sa pagtukoy sa kakayanan ng aytem.