Pinakahuling Aktibidad

Puwedeng ipakita ng Moodle ang "pinakahuling aktibidad" sa home page ng kurso.

Ipinapakita nito ang lahat nang naganap sa kurso noong huling maglog-in ang viewer sa kurso, kasama ang mga bagong post, bagong user, atbp.

Iminumungkahi na panatiliin mong buhay ang katangiang ito sa inyong kurso, dahil nakakatulong itong makita ng user ang mga ginagawa sa kurso. Kung alam natin ang ginagawa ng iba, makatutulong itong magbunsod ng bayanihan sa klase.

Maaaring mas gugustuhin mong patayin ang katangiang ito kung napakalaki o napakalimit ng paggamit sa isang kurso, dahil maaari itong magpabagal sa pagpapakita ng pahina ng kurso.