Susė sa Pageenrol sa Kurso
Pinipigilan ng susė sa pag-eenrol ang mga taong ayaw mong makapasok sa kurso mo.
Kapag pinabayaan mo itong blangko, kahit sinong lumikha ng Moodle username sa site na ito ay makakapagenrol sa kurso mo sa pamamagitan lamang ng pagpasok dito.
Kung may ilagay ka rito (susian o ikandado ang kurso), ang mga mag-aaral na magtangkang pumasok sa UNANG PAGKAKATAON LAMANG ay hihilingang ibigay ang salita o pariralang ito.
Ang ideya dito ay ibibigay mo ang susė sa mga awtorisadong tao sa pamamagitan ng ibang paraan tulad ng pribadong email, pahatid-bukyo (koreyo), sa telepono o sabihin sa kanila nang harapan sa klase.
Kung "malantad" ang password na ito at nagkaroon ka ng mga taong hindi dapat mag-enrol, puwede mo silang sipain (tingnan ang pahina ng user profile) pagkatapos ay baguhin ang susing ito. Ang mga lehitimong mag-aaral na nakapag-enrol na ay hindi maaapektuhan, pero ang mga hindi dapat nag-enrol ay hindi na makakapasok muli.