Mode na Umaangkop

Kapag pinilì mo ang "Oo" para sa opsiyon na ito, ang mag-aaral ay pahihintulutan na sumagot nang maraming ulit sa isang tanong, kahit sa iisang pagkuha ng pagsusulit. Halimbawa, kung ang sagot ng mag-aaral ay minarkahan na malî, ang mag-aaral ay pahihintulutan na muling sumagot kaagad. Subali't kadalasan ay may parusa ito na babawasan ang iskor ng mag-aaral sa tuwing may maling pagtatangka na sumagot (ang halaga ng parusa ay itatakda ng paktor na parusa, na itatakda sa susunod na opsiyon).

Pinapahintulutan din ng mode na ito ang mga umaangkop na tanong, na nagbabago alinsunod sa sagot ng mag-aaral. Narito ang depinisyon ng IMS QTI specification sa umaangkop na tanong (mga aytem):

Ang umaangkop na aytem ay isang aytem na umaangkop ang itsura, o iskor (Pagpoproseso ng Sagot), o pareho bilang tugon sa bawat pagsagot ng kandidato. Halimbawa, maaaring magsimula ang isang umaangkop na aytem sa pamamagitan ng pagbibigay sa kandidato ng isang kahon na lalagyan ng teksto, nguni't kapag nakatanggap ito ng ditamang sagot ay magbibigay naman ito ng isang simpleng pagpipilian ng mga sagot, at maggagawad ito ng mas mababang marka sa mga susunod na wastong sagot. Ang pag-angkop ay nagpapahintulot sa mga awtor na lumikha ng mga aytem para sa "formative" na sitwasyon, na gumagabay sa mga kandidato na maggawa ang isang ibinigay na trabaho habang nagbibigay din ng resulta na binibigyan pansin ang landas na dinaanan nila bago matapos ang trabaho

Sa mode na umaangkop, may dagdag na na buton na ipapakita sa bawat tanong. Kapag pinindot ng mag-aaral ang buton na ito, ang sagot sa partikular na tanong na ito ay ipapasa para malagyan ng iskor at ang marka na nakuha ay ipapakita sa mag-aaral. Kung ang tanong ay umaangkop na tanong, ito ay ipapakita sa bagong kaanyuan nito na kinukonsidera ang sagot ng mag-aaral at sa maraming kaso ay hihilingin ang mag-aaral na magbigay ng isa pang sagot. Sa pinakasimpleng umaangkop na tanong, ang bagong kaanyuan na ito ay maaaring magbago lamang sa teksto ng puna at hihilingin ang mag-aaral na tangkain muling sumagot; Sa mas komplikadong tanong, ang teksto ng tanong at maging ang mga sinasagutang elemento ay maaaring magbago.