moodle/lang/tl_utf8/help/grade/exceptions.html

41 lines
1.5 KiB
HTML

Eksepsiyon

Magagamit ito sa pagliban ng mag-aaral sa isang indibidwal na
takdang-aralin. Kapakipakinabang ito kung ang dalawang seksiyon ay
pinagsama o may mag-aaral na lumipat mula sa ibang seksiyon, ilang
linggo na ang tumatakbo sa isang semestre. Kapakipakinabang din ito sa
mga dahilan na labas na sa klase: sakit, nasaktan, atbp.
May
tatlong hanay:

Kaliwa: ay mga mag-aaral sa kurso na "Kasama sa
Kukuwentahin" ang marka para sa isang partikular na aytem.

Gitna: Listahan ng lahat ng aytem na minarkahan, kasunod ang
kabuuang bilang ng mga mag-aaral na iniliban sa pagkuwenta, na
nakapaloob sa panaklong.

Kanan: Listahan ng mga mag-aaral na iniliban sa isang
partikular na takdang-aralin

Para mailiban ang mga mag-aaral, iklik ang takdang aralin sa gitna at
pagkatapos ay iklik ang pangalan ng mag-aaral sa kaliwang hanay
(ang pagpapanatiling nakapindot sa CTRL o APPLE ay magpapahintulot sa
inyong pumilì ng maraming aytem). Pagkatapos ay iklik ang "Iliban
sa Pagkuwenta" sa ibaba. Ang (mga) mag-aaral ay malilipat mula sa
kaliwang hanay tungo sa kanang hanay, at ililiban na sila sa pagkuwenta
ng marka para sa takdang-aralin.

Para maisama ang mag-aaral na iniliban; Piliin ang angkop na
takdang-aralin, iklik ang mag-aaral sa kanang hanay at pangwakas ay
iklik ang "Isama sa Pagkuwenta" sa may ibaba. Ang mag-aaral
ay malilipat na mula sa kanang hanay tungo sa kaliwang hanay.