moodle/lang/tl/help/questions.html

118 lines
4.7 KiB
HTML

Mga Tanong

Makatutulong ang pagtatanong sa mga tao tungkol sa isang paksa, upang
mapagisipan nila ang paksang iyon. Kapag maganda ang tanong sa atin,
nakatutulong ito sa ating mag-ugnay-ugnay ng mga impormasyon, suriin ang
kasalukuyan nating mga ideya at lumikha ng mga bagong ideya.

Ang pagtatanong upang makatulong sa ibang matuto ay tinatawag na
Sokratikong pagtatanong, na ipinangalan kay Socrates ng
Matandang
Gresya.

Kapag ginamit mo ang Socraticong pagtatanong kailangan mong
makinig ng mabuti sa ibang tao upang matimbang at mailagay mo ang iyong
tanong sa paraang makakatulong, konstruktibo, at kung maaari ay hindi
iyong parang naghahamon ng pagtatalo.

Narito ang ilang halimbawa ng mga ganitong tanong:

Mga tanong na humihingi ng paglilinaw

Ano ba ang ibig mong sabihin sa sinabi mong _____?

Ano ba ang pangunahing punto ng sinasabi mo?

Ano ba ang kaugnayan ng _____ sa _____?

Puwede bang sabihin iyan sa ibang paraan?

Tingnan natin kung naiintindihan kita; ibig mo bang sabihin ay
_____ o _____?

Ano ang kaugnayan nito sa problema/tinatalakay/isyu?

Jane, kaya mo bang lagumin sa sarili mong pangungusap ang sinabi
ni Richard? ... Richard, iyon ba ang ibig mong sabihin?

Mabibigyan mo ba ako ng halimbawa?

Maganda bang halimbawa niyan ang _____?

Mga tanong na sumusuri sa mga inaakala

Ano ba ang inaakala mo rito?

Ano ba ang inaakala ni Jenny?

Ano kaya ang maaari nating akalain maliban doon?

Para bang ang inaakala mo ay _____. Tama ba ang pagkakaunawa ko
sa iyo?

Lahat ng pangangatwiran mo ay nakasalalay sa ideya na _____.
Bakit mo ibinatay ang pangangatwiran mo sa _____ sa halip na _____?

Para bagang ang inaakala mo ay _____. Paano mo bibigyang
katarungan ang pagbalewala sa ganyang pag-iisip?

Palagi bang totoo iyan? Bakit mo iniisip na ang inaakala ay
makatwiran sa pagkakataong ito?

Bakit kaya mag-aakala ang isang tao ng ganyan?

Mga tanong na sumusuri sa katwiran at ebidensiya

Maaari mo bang ipaliwanag ang mga katwiran mo sa amin?

Paano ba natin maiaaplay iyan sa kasong ito?

May dahilan ba para paghinalaang mali ang ebidensiya?

Sino ba ang nasa tamang posisyon para malaman ang
katotohanan?

Ano ang sasabihin mo sa isang tao na nagsabi na _____?

May iba pa bang makapagbibigay ng ebidensiya na susuporta sa
pananaw na iyan?

Anong pangangatwiran ang ginamit mo upang umabot sa ganyang
kongklusyon?

Paano natin malalaman kung totoo nga iyan?

Mga Tanong hinggil sa mga pananaw o perspektiba

Ano ang ipinahihiwatig mo?

Kapag sinabi mong _____, ipinahihiwatig mo bang _____?

Pero, kung mangyari iyan, ano pa ang maaaring mangyari bilang
resulta niyan? Bakit?

Ano ang magiging epekto niyan?

Mangyayari ba talaga iyan o posible lamang na mangyari?

Ano ang alternatibo?

Kung ang _____ at _____ ang mga kaso, ano pa ang maaaring totoo
rin?

Kung nasasabi natin na ang ____ ay etikal, ganoon din ba ang

Mga tanong na sumusuri sa mga implikasyon at konsekwensiya

Paano ba natin malalaman ang katotohanan?

Ano ang inaakala sa tanong na ito?

Kung si ______ ang magtatanong nito, maiiba kaya ang pagtatanong?

Paano mareresolba ng isang tao ang tanong na ito?

Maaari ba nating hati-hatiin ang tanong na ito?

Malinaw ba ang tanong na ito? Nauunawaan ba natin ito?

Madali ba o mahirap sagutin ang tanong na ito? Bakit?

Sang-ayon ba ang lahat na ito nga ang tanong?

Upang masagot ang tanong na ito, ano pang ibang tanong ang
kailangan nating sagutin muna?

Paano kaya ipapahayag ni ____ ang isyu?

Bakit ba importante ang isyung ito?

Ito na ba ang pinakamahalagang tanong, o may mas malalalim pang
tanong?

Nakikita mo ba kung paano ito posibleng nakaugnay sa _____?

Mga Tanong na inadapt mula kay Paul, R. (1993).
Critical Thinking: How To Prepare Students for a Rapidly Changing World:
Foundation for Critical Thinking, Santa Rosa, CA.

Dagdag na info
tungkol sa pagsusulat

Dagdag na info
tungkol sa pagbabasa