moodle/lang/tl/help/textformat.html

73 lines
3.1 KiB
HTML

Pagpoformat ng teksto

Sa pagsusulat ng teksto sa Moodle, marami kang format na
mapagpipilian upang malikha ang teksto mo, depende sa kakayanan mo at sa
uri ng browser na ginagamit mo.

Kalimitan ay mapapabayaan mo na lamang ang setting na ito sa
default nitong halaga at gagana naman ang lahat nang ayon sa inaasahan mo.

1. Moodle auto-format

Pinakamahusay ang format na ito kapag ang ginagamit mo ay normal na
mga web form sa pagpapasok ng teksto (sa halip na ang HTML editor).
Itype lang ang teksto nang normal, tulad nang pag nagpapadala ka ng
email.

Kapag isinave mo ang teksto mo, may ilang gagawin ang Moodle upang
awtomatikong maiformat ang teksto mo.

Halimbawa, ang mga URL na tulad ng
http://yahoo.com o kaya'y
www.yahoo.com ay makukumberte sa
link.

Pananatilihin ang mga line break mo, at ang mga blangkong linya ay
magsisimula ng mga bagong parapo.

Ang mga karakter na smiley tulad ng :-) ay awtomatikong makukumberte
sa mga katumbas nilang larawan.

Puwede ka ring mag-embed ng HTML code kung nais mo at mananatili ito.

Dagdag na kaalaman hinggil sa Moodle auto-formatting.

2. HTML format

Inaakala ng format na ito na ang teksto ay purong HTML. Kung
ginagamit mo ang HTML editor sa pag-edit ng teksto, ito ang default na
format - lahat ng command sa toolbar ay lumilikha ng HTML para sa iyo.

Kahit hindi mo gamitin ang HTML editor, maaari kang gumamit
ng HTML code sa teksto mo at lalabas din naman ito nang ayon sa gusto
mong mangyari.

Hindi katulad ng Moodle auto-format, walang awtomatikong pagpoformat
na nagaganap.

Dagdag na kaalaman hinggil sa HTML

Dagdag na kaalaman hinggil sa Richtext HTML
editor

3. Plain text format

Mahalaga ang format na ito kapag gusto mong maglagay ng maraming code
o HTML na gusto mong madispley nang eksaktong-eksakto sa
isinulat mo.

Nagkukumberte pa rin ito ng mga smiley at bagong linya, pero wala
nang iba pang gagalawin sa teksto mo.

4. Markdown text format

Ginagawa ng markdown format na gawing madali ang pagtype ng mga
mahusay ang pagkakaformat na XHTML na pahina, sa pamamagitan lamang ng
teksto na isinulat nang parang isinusulat ang isang email.

Napakahusay nito para sa pagsusulat ng malinis na pahina ng teksto na
may ilang heading at ilang list pero walang gaanong link o larawan.

Dagdag na
kaalaman hinggil sa Markdown format