56 lines
2.6 KiB
HTML

Pagmamarka ng mga Takdang-aralin

Sa Ehersisyong ito, iisang Form na Pantasa ang ginagamit ng Mag-aaral
at Guro sa pagtasa ng mga nalikhang gawa. Ang form ay ginagamit sa
iba-ibang hakbang ng ehersisyo ng dalawang pangkat, kaya ang paliwanag
na ibinigay dito ay hinati sa dlaawang bahagi.

Para sa mga Mag-aaral

Ginagamit ang pantasang form para ipakita sa iyo kung paano tatasahin
ng guro ang ginawa mo. Kinakailangan mong kumpletohin ang form an ito
bago ka makapagpasa ng iyong gawa. Magagamit mo ito bilang isang
checklist.  Hindi ipapasa ang form sa guro kapag isinave mo ito.
Makakabalik ka sa form na ito at susugan ito (at ang gawa mo) nang ilan
mang ulit na ibigin mo hangga't hindi mo pa ipinapasa ang gawa.
Tandaan na bagama't pinapahintulutan ka, hindi naman kailangang ipasa
kaagad ang ginawa mo matapos mong makumpleto ang form na ito.
Gayunpaman, ang nilalaman ng pagtatasa mo ay hindi na mababago at
magagamit ng guro kapag ipinasa mo na ang gawa mo.

Kapag hiniling ng guro na baguhin mo ang iyong gawa at mulî itong
ipasa, hindi ka na hihilingin na muling tasahin ang
iyong "bagong" gawa. Gagawin mo lamang ang pagtatasang ito sa
"unang pagkakataon".

Ang (unang) pagtatasa ng gawa mo ay ihahambing sa pagtatasang ginawa
ng guro sa iyong gawa. Mas magkatugma ang dalawang pagtatasa, mas
mataas ang magigi mong "marka ng pagmamarka". Ang markang ito
ay karaniwang mas maliit kaysa sa marka na ibibigay sa iyong gawa. Ang
huling marka para sa ehersisyo ay ang kabuuan ng dalawang markang ito.

Kapag naipasa mo na ang sarili mong gawa, mamarkahan ito ng guro
gámit ang parehong pantasang form. Makikita mo ang mga iskor ng gawa mo
at ang mga opinyon tungkol dito. Ang marka nila ay karaniwang magiging
pangunahing bahagi ng huling marka mong matatanggap sa Ehersisyong ito.

Para sa Guro

Ang form na pantasa ay ginagamit sa pagmamarka ng ipinasa ng mga
mag-aaral. Karaniwang nagiging pangunahing bahagi ng huling marka ng
mag-aaral ang mga markang ito, para sa ehersisyo. Ang pagtatasa, ang
marka nito at anumang opinyon ginawa mo ay makikita ng mag-aaral na
nagpasa ng gawa. Kapag nagawa mo na ang pagtatasa, dapat mong
pagpasiyahan kung papahintulutan ang mag-aaral na baguhin at muling ipas
ang gawa nila, harinawa'y may pag-unlad, o hindi.

Kapag isinave mo ang isang pagtatasa, bibigyan ka ng maikling panahon
para makagawa ng susugo bago "ilathala" ang pagtatasa sa
mag-aaral.