moodle/lang/tl_utf8/help/lesson/import.html

155 lines
5.6 KiB
HTML

Pag-aangkat ng
mga bagong tanong

Magagamit mo ang function na ito upang mag-angkat ng mga tanong mula sa
mga panlabas na file na teksto, na iaaplowd sa pamamagitan ng isang
form.

May ilang format ng file na sinusuportahan:

Format na GIFT

Ang GIFT ang pinakakomprehensibong format na pang-angkat para sa
pag-angkat ng mga tanong ng pagsusulit na Moodle, mula sa isang file na
teksto. Dinisenyo ito na maging madali ang paraan ng pagsusulat ng mga
guro ng tanong sa isang file na teksto. Sinusuportahan nito ang
Maraming-Pagpipiliang-Sagot, Tama-Mali, Maikling-Sagot, Tugmaan
at Denumero na mga tanong, gayundin ang pagsisingit ng
_____ para sa format na "nawawalang salita". Maraming uri ng
tanong na mapaghahalo sa iisang file na teksto, at sinusuportahan din ng
format ang mga komento na nasa linya, pangalan ng tanong, puna at
bahagdan-timbang na marka. Nasa baba ang ilang halimbawa:

<samp>
Sino ang inilibing sa puntod ni Grant?{~Grant ~Jefferson =walâ}

Si Grant ay {~nakabaon =nakalibing ~nakatira} sa puntod ni Grant.

Si Grant ay nakalibing sa puntod ni Grant.{MALI}

Sino ang inilibing sa puntod ni Grant?{=wala =walang sinuman}

Kailan ipinganak si Ulysses S. Grant?{#1822}
</samp>

Marami pang impo
hinggil sa format na "GIFT"

Format na Aiken

Ang format na Aiken ay isang napakasimpleng paraan ng paglikha ng
maraming-pagpipiliang-sagot na tanong sa pamamagitan ng malinaw na
format na mababasa ng tao. Narito ang halimbawa ng format:

<samp>
Ano ang layunin ng first aid?

A. Upang magligtas ng buhay, maiwasan ang pinsala sa katawan, at
mapanatilì ang kalusugan

B. Upang makapagbigay ng lunas na pangmediko sa sinumang nasaktan o
nasugatang tao

C. Upang maiwasan ang dagdag na pinsala sa katawan

D. Upang matulungan ang mga biktima na humihingi ng saklolo

ANSWER: A
</samp>

Marami pang impo
hinggil sa format na "Aiken"

Format na Nawawalang Salita

Maraming-pagpipiliang-sagot na mga tanong lamang ang sinusuportahan ng
format na ito. Ang bawat sagot ay pinaghihiwalay ng (~), at ang tamang sagot ay may equal sign (=) sa unahan. Narito ang
halimbawa:

<samp>Sa sandaling simulan nating pagmasdan
ang mga bahagi ng ating katawan noong sanggol pa lamang tayo ay
nagsimula na tayong maging mag-aaral ng {=anatomy at physiology
~reflexology ~siyensiya ~experimento}, at kung iisipin ay nananatili
tayong mag-aaral panghambambuhay.</samp>

More info
about the "Missing Word" format

AON

Katulad din ito ng Nawawalang Salitang
Format, maliban na lamang sa matapos maangkat ang mga tanong, ang lahat
ng Maikling-Sagot na tanong ay ikukumberte ng apat-apat sa mga Tugmaan
na Tanong.

Dagdag pa, ang mga sagot sa mga
maraming-pagpipiliang-sagot na tanong ay random na babalasahin habang
inaangkat.

Ipinangalan ito sa isang organisasyon na
nag-isponsor ng pagpapaunlad ng maraming katangian ng mga pagsusulit

Blackboard

Maaaring mag-angkat ang modyul na ito ng mga tanong na isinave sa
pangluwas na format ng Blackboard. Umaasa ito sa mga XML function na
nakacompile sa PHP mo.

Marami pang
impo hinggil sa format na "Blackboard"

Course Test Manager

Ang modyul na ito ay makapag-aangkat ng mga
tanong na isinave sa Course Test Manager test bank. Umaasa ito sa
iba't-ibang paraan ng pagpasok sa test bank, na nasa database na
Microsoft Access, depende kung ang Moodle ay tumatakbo sa isang Windows
o Linux na web server.

Sa Windows, pinapahintulutan nito kayong
iaplowd ang access na database tulad ng anumang file na may datos na
aangkatin.

Sa Linux, kailangan mong magsaayos ng isang
makinang windows sa parehong network kung saan naroon ang Course Test
Manager na database at isang piraso ng software na tinatawag na ODBC
Socket Server, na gumagamit ng XML sa pagsasalin ng datos papunta sa
moodle na nasa Linux server.

Basahin po ang buong pantulong na file sa
ibaba bago gamitin ang klase ng pag-aangkat na ito.

Marami pang impo hinggil sa
format na "CTM"

Pasadya

Kung may sarili kang format na kailangan mong angkatin, magagawa mo ito
sa sarili mo sa pamamagitan ng pag-edit ng
<tt>mod/quiz/format/custom.php</tt>

Ang kinakailangang bagong code ay
napakaliit - sapat lamang para mag-parse ng isang tanong sa isang
ibinigay na teksto.

Marami pang impo
hinggil sa format na "Pasadya"

Marami pang format na darating, kabilang ang WebCT, IMS QTI at
anumang maiaambag ng Moodle!