moodle/lang/tl_utf8/help/lesson/overview.html

188 lines
9.6 KiB
HTML

Kabuuang Tanaw

Ang isang aralin ay binubuo ng ilang pahina at optional na
mga manghad ng sanga.

Ang isang pahina ay mayroong nilalaman at karaniwan itong
nagtatapos sa isang tanong. Kaya mayroong termino na Pahina
ng Tanong.

Para sa mga Tanong na Sanaysay, walang sagot, iskor lamang,
puna, at isang pahina na luluksuhan.

Ang bawat sagot ay maaaring magkaroon ng isang maikling piraso ng
teksto na ipapakita kapag ang sagot ay pinilì. Ang pirasong ito ng
teksto ay tinatawag na tugon.

Kaugnay din ng bawat sagot ang isang lukso. Maaaring
relatibo ang lukso - pahinang ito, susunod na pahina - o absoluto -
itinatakda ang alinman sa isa sa mga pahina sa aralin o ang dulo ng
aralin.

Ang default ay lulukso ang unang sagot sa susunod na pahina
ng aralin. Ang mga susunod na sagot ay lulukso sa pareho ring pahina.
Alalaong baga'y, ang mag-aaral ay papakitaan mulî ng parehong pahina ng
aralin kung hindi nila pinilì ang unang sagot. Kung lumikha ka na ng
cluster, na may dulo ng cluster, at ang tanong ay nasa loob nito, puwede
mo ring piliin na lumukso sa isang Dinakikitang Tanong sa loob ng
cluster. Ang opsiyong ito ay hindi ipapakita kung wala ka sa isang
cluster. Maaari mong palibutan ang isang set ng tanong ng cluster at
dulo ng cluster anumang oras.

Ang susunod na pahina ay itinatakda sa pamamagitan ng
makatwirang kaayusan ng aralin. Ito ang pagkakasunod-sunod ng
pahina ayon sa pananaw ng guro. Ang kaayusang ito ay maaaring mabago sa
pamamagitan ng paglipat ng pahina sa loob ng aralin.

May kaayusan ng nabigasyon din ito. Ito ang
pagkakasunod-sunod ng mga order ayon sa pananaw ng mag-aaral. Ito ay
itinatakda ng mga lukso na itinakda sa mga indibidwal na sagot, at
maaari itong maging kaibang-kaiba sa makatwirang kaayusan. (Nguni't
kung ang mga lukso ay hindi hindi binago sa default na halaga,
ang dalawa ay malaki ang pagkakaugnay.) Puwedeng suriin ng guro ang
kaayusan ng nabigasyon.

Kapag ipinakita na sa mag-aaral, ang mga sagot ay karaniwang
binabalasa. Alalaong baga'y, ang unang sagot sa pananaw ng guro ay
hindi palaging ang magiging unang sagot sa listahan na ipapakita sa
mag-aaral. (Dagdag pa, sa tuwing ipapakita ang parehong set ng sagot,
malamang na lilitaw sila sa ibang pagkakasunod-sunod.) Maliban dito ang
mga set ng sagot para sa tugmaang uri ng tanong; ito ay ipinapakita ng
ayon sa kaayusang ipinasok ng guro.

Ang dami ng sagot ay maaaring magbago sa bawat pahina. Halimbawa,
pinapahintulutan na ang ilang pahina ay magtapos sa tama/mali na tanong
samantalang ang iba pang tanong ay may isang tamang sagot at tatlong,
ipalagay natin na, panggulo.

Posibleng mag-ayos ng pahina nang walang anumang sagot. Ang mga
mag-aaral ay papakitaan ng Ituloy na link sa halip na set ng
binalasang sagot.

Kung ang pasadyang pag-iiskor ay patay: para sa layunin na markahan
ang aralin, ang mga wastong sagot ay lang mga lumulukso sa isang
pahina na mas mababa sa kasalukuyang pahina, sa makatwirang
kaayusan.
Ang mga maling sagot ay ang mga lumulukso sa pahina ring iyon o
sa isang pahina na mas mataas kaysa sa kasalukuyang pahina, sa
makatwirang kaayusan. Kaya, kung ang mga paglukso ay hindi
binago, ang unang sagot ang wastong sagot at ang ibang pang sagot ay
maling sagot.

Kapag buhay ang pasadyang pag-iiskor: ang pagmamarka sa isang sagot ay
itinatakda ng halaga ng puntos ng sagot, ang kabuuang puntos na nakuha
ay magsisilbing hatimbilang ng kabuuang halaga ng puntos sa aralin,
hanggang 100%..

Ang mga tanong ay maaaring magkaroon ng mahigit sa isang wastong
sagot. Halimbawa, kung ang dalawa sa mga sagot ay lulukso sa susunod na
pahina, ang alinman sa dalawang sagot ay ituturing na tamang sagot.
(Bagama't ang parehong pupuntahang pahina ang ipapakita sa mag-aaral,
ang tugon na ipapakita papunta sa pahina ay maaaring magkaiba para sa
dalawang sagot.)

Sa panggurong tanaw sa aralin, ang mga wastong sagot ay
may nasasalungguhitan na Etiketa ng Sagot.

Ang mga manghad ng Sanga ay mga pahina lamang na may set ng
link sa iba pang pahina sa aralin. Karaniwan ay nagsisimula ang isang
aralin sa isang manghad ng sanga, na nagsisilbing Manghad ng
Nilalaman.

Ang bawat link sa isang manghad ng sanga ay may dalawang komponente,
isang deskripsiyon at ang pamagat ng pahina na babagsakan ng paglukso.

Ang manghad ng sanga ay epektibong hinahati ang aralin sa ilang
sanga (o seksiyon). Ang bawat sanga ay maaaring maglaman ng ilang
pahina (malamang lahat ay kaugnay ng parehong paksa). Ang dulo ng isang
sanga ay kadalasang tinatatakan ng Dulo ng Sanga na pahina. Ito
ay isang espesyal na pahina na, sa default, ay ibabalik ang mag-aaral sa
naunang manghad ng sanga. (Ang "pabalik" na lukso sa isang
Dulo ng Sanga na pahina ay maaaring baguhin, kung kinakailangan, sa
pamamagitan ng pag-edit sa pahina.)

Maaaring magkaroon ng higit sa isang manghad ng sanga sa isang
aralin. Halimbawa, maaaring kapakipakinabang na balangkasin ang isang
aralin na ang mga pang-espesyalitang punto ay sub-sanga sa loob ng
punong sanga ng paksa.

Mahalaga na mabigyan ang mga mag-aaral ng paraan na tapusin ang
aralin. Maaari itong gawin sa pamamagitan ng paglalagay ng "Dulo
ng Aralin" na link sa punong manghad ng sanga. Lulundag ito sa
(kathang-isip) na Dulo ng Aralin na pahina. Ang isa pang opsiyon
ay magpatuloy na lamang ang huling sanga ng aralin (dito ang
"huli" ay ginagamit sa kahulugan ng makatwirang kaayusan) sa
dulo ng aralin, alalaong baga'y, hindi ito tatapusin ng isang
Dulo ng Sanga na pahina.

Kung buhay ang pasadyang pag-iiskor, kapag ang aralin ay may isa o
mahigit pang manghad ng sanga, iminumungkahi na itakda ang "Minimum
na bilang ng Tanong" na parameter sa isang makatwirang halaga.
Nagtatakda ito ng isang ibabang limitasyon sa bilang ng mga pahina na
makikita kapag ang marka ay kinuwenta. Kung wala ang parameter na ito,
ang mag-aaral ay maaaring bisitahin ang isa sanga lamang ng aralin,
sagutin ang lahat ng tanong nito nang wasto at iwan ang aralin nang may
maksimum na marka.

Kung ang pasadyang pag-iiskor ay buhay, ang mag-aarla ay mamarkahan
batay sa dami ng puntos na nakuha nila bilang porsiyento ng kabuuang
puntos para sa aralin.

Dagdag pa, kung patay ang pasadyang pag-iiskor, kapag mayroong
manghad ng sanga, ang isang mag-aaral ay may oportunidad na muling
bisitahin ang parehong sanga nang mahigit sa isang beses.
Magkagayunman, ang marka ay kinukuwenta gamit ang bilang ng
natatanging tanong na sinagot. Kaya ang paulit-ulit na pagsagot
sa iisang set ng tanong ay hindi magpapataas ng marka. (Sa
katunayan, ang kabaligtaran ang mangyayari, ibababa nito ang marka
dahil ang bilang ng dami ng pahina na nakita ay ginagamit na
denominator sa pagkuwenta ng marka, at kasama nito ang mga pag-ulit.)
Para mabigyan ng patas na ideya ng kanilang progreso sa aralin ang mga
mag-aaral, pinapakitaan sila ng mga detalye ng kung ilang tanong ang
nasagot nila nang wasto, bilang ng pahinang nakita, at ang kasalukuyan
nilang marka sa bawat pahina ng manghad ng sanga.

Kung buhay ang pasadyang pag-iiskor, maaaring muling bisitahin ng
mag-aaral ang tanong kung pinapahintulutan ito ng landas ng nabigasyon,
at muling makuha ang (mga) puntos para sa tanong na iyon, kung ang
pagkuha ay mas marami sa 1. Para mapigilan ito, itakda ang mga pagkuha
sa 1.

Ang dulo ng aralin ay maabot sa pamamagitan ng paglukso sa
lokasyon ito ng hayagan o sa pamamagitan ng paglukso sa susunod na
pahina mula sa huling (makatwirang) pahina ng aralin. Kung ang
pasadyang pag-iiskor ay patay, kapag ang dulo ng aralin ay naabot,
makakatanggap ang mag-aaral ng mensahe ng pagbatì at ipapakita sa kanila
ang kanilang marka. Ang marka ay <tt>(ang dami ng tanong na wastong
sinagutan / bilang ng pahina na nakita) * marka ng aralin</tt>. Kung
buhay ang pasadyang pag-iisko, ang marka ay ang mga puntos na nakuha
bialng isang % ng kabuuang puntos (hal. 3 puntos ang nakuha para sa
isang 3 puntos na aralin = 100% ng 3 puntos).

Kung ang dulo ng aralin ay hindi naabot at basta na lamang
umalis ang mag-aaral, kapag bumalik sa aralin ang mag-aaral, papipiliin
siya kung mag-uumpisa siyang muli sa simula o magpapatuloy kung saan
siya sumagot ng wasto sa aralin.

Para sa isang aralin na nagpapahintulot ng muling pagkuha, ang guro
ay puwedeng gamitin ang pinakamagaling na marka o ang katamtaman ng mga
marka mula sa aralin bilang "huling" marka. Ang marka na ito
ay ipapakita sa pahina ng Marka, halimbawa.

Mga pahinang cluster: ang cluster ay kumakatawan sa isang set ng mga
tanong, kung saan maaaring kumuha ng isa o mahigit pang tanong nang
random. Ang mga cluster ay kailang tapusin sa pamamagitan ng Dulo ng
Cluster na pahina para mapahusay ang paggana (kundi ay tatratuhin nila
na Dulo ng Cluster (DngC) ang Dulo ng Aralin). Ang mga
tanong sa loob ng isang cluster ay pinipilì nang random sa pamamagitan
ng "Random na Tanong sa loob ng isang Cluster" bilang lukso.
Ang mga tanong sa loob ng isang cluster ay maaaring maglink sa DngC
upang lumabas sa cluster, o lumukso sa isang dinakikitang tanong sa loob
ng cluster, o lumukso sa alinmang iba pang aphina sa aralin. Sa
pamamagitan nito makakalikha ng mga senaryo na may elementong random,
gamit ang modyul na aralin.