mirror of
https://github.com/moodle/moodle.git
synced 2025-02-22 19:06:51 +01:00
158 lines
6.8 KiB
HTML
158 lines
6.8 KiB
HTML
<!DOCTYPE html PUBLIC "-//W3C//DTD HTML 4.01 Transitional//EN">
|
|
<html>
|
|
<head>
|
|
|
|
<title>Moodle Doks: Pilosopiya</title>
|
|
|
|
<link rel="stylesheet" href="docstyles.css" type="TEXT/CSS">
|
|
|
|
<meta http-equiv="Content-Type" content="text/html;
|
|
charset=iso-8859-15">
|
|
</head>
|
|
<body bgcolor="#ffffff">
|
|
|
|
<h1>Pilosopiya</h1>
|
|
|
|
<blockquote>
|
|
<p> Ginabayan ang pagkadisenyo at pagdebelop ng Moodle ng isang
|
|
partikular na pilosopiya ng pag-aaral, isang paraan ng pag-iisip na
|
|
tinatawag na "<em>social constructionist pedagogy</em>".
|
|
(Marahil ay iniisip na kaagad ng ilang siyentipikong nagbabasa na walang
|
|
kuwentang termino lamang ito sa edukasyon, at inaabot na ninyo ang mouse
|
|
ninyo para lumipat ng babasahin, pero pakituloy lamang ang pagbasa -
|
|
mahalaga ito sa bawat paksa!)
|
|
</p>
|
|
|
|
<p>Tinatangkang ipaliwanag sa pahinang ito ang kahulugan ng parapong
|
|
iyan sa simpleng pananalita, sa pamamagitan ng paglalatag ng
|
|
<strong>apat na pangunahing konseptong</strong> nasa likod nito. Ang
|
|
bawat isa nito ay lumalagom sa isang pananaw ng napakaraming
|
|
magkakaibang pananaliksik, kaya't maaaring mababaw ang mga depinisyong
|
|
ito kung may mga nabasa na kayo sa mga bagay na ito.
|
|
</p>
|
|
|
|
|
|
<p>Kung bago ang mga konseptong ito sa iyo, posibleng mahihirapan kayong
|
|
maunawaan ang mga ideyang ito sa simula - ang maipapayo ko lamang ay
|
|
basahin ninyo itong mabuti, habang inaaalala ang mga karanasan ninyo sa
|
|
pag-aaral ng isang bagay.<br />
|
|
</p>
|
|
|
|
<h3>1. Constructivism</h3>
|
|
<blockquote>
|
|
<p>Sa pananaw na ito, pinaniniwalaan na aktibong <strong>lumilikha
|
|
</strong> ng bagong kaalaman ang mga tao habang nakikipag-ugnayan sila
|
|
sa kanilang kapaligiran.</p>
|
|
<p>Ihinahambing ang lahat ng mabasa, makita, marinig, maramdaman, at
|
|
madama mo sa dati mo nang alam, at kung makabuluhan ito sa iyong
|
|
pangkaisipang daigdig (diwa?), ay maaaring bumuo ng bagong kaalaman sa
|
|
iyong kaisipan. Mapapatatag (ang katotohanan o ang paniniwala mo?) ang
|
|
kaalaman kung matagumpay mo itong magagamit sa mas malawak mong
|
|
kapaligiran. Hindi ka lamang bangko ng mga alaala na pasibong
|
|
sumisipsip ng impormasyon, at hindi rin "naipapasa" ang
|
|
kaalaman sa iyo sa pamamagitan lamang ng pagbabasa ng isang bagay o
|
|
pakikinig sa isang tao.
|
|
</p>
|
|
<p>Hindi naman sinasabi na wala kang matututunan sa pagbabasa ng
|
|
isang web page o pakikinig sa isang lektura, siyempre mayroon,
|
|
binibigyang diin lamang nito na mas marami pang nangyayaring
|
|
pagpapakahulugan kaysa sa simpleng pagsasalin ng impormasyon mula sa
|
|
isang utak papunta sa isa pa.
|
|
<br />
|
|
</p>
|
|
</blockquote>
|
|
|
|
|
|
<h3>2. Constructionism</h3>
|
|
<blockquote>
|
|
|
|
<p>Sinasabi sa constructionism na ang pag-aaral ay epektibo kapag
|
|
lumilikha ka ng isang bagay para maranasan ng iba. Maari itong maging
|
|
kahit ano, halimbawa ay binigkas na pangungusap o post sa internet, o
|
|
lalo pang masalimuot na artifact ay painting, bahay kaya o maging isang
|
|
software package.
|
|
</p>
|
|
<p>Halimbawa, kahit basahin mo nang ilang beses ang pahinang ito ay
|
|
maaari mo rin itong makalimutan bukas - pero kung ipaliwanag mo ang mga
|
|
ideyang ito sa isa pang tao sa sarili mong mga salita, o lumikha ng
|
|
isang slideshow na magpapaliwanag sa mga konseptong ito, matitiyak ko sa
|
|
iyo na magkakaroon ka ng mas malalim na pag-unawa, alalaong baga'y mas
|
|
naka-ugnay sa mga sarili mong ideya. Ito ang dahilan kung bakit
|
|
nagtatala ang mga tao sa mga lektura, kahit hindi naman nila babasahing
|
|
muli ang mga tala .<br />
|
|
</p>
|
|
</blockquote>
|
|
|
|
|
|
<h3>3. Social Constructivism</h3>
|
|
<blockquote>
|
|
|
|
<p>Pinalalawig nito ang mga ideya sa itaas sa isang panlipunang pangkat
|
|
na lumilikha ng mga bagay para sa isa't-isa, tulong-tulong na lumilikha
|
|
ng isang maliit na kultura ng mga pinagsasaluhang artifact na may
|
|
pinagsasaluhang kahulugan. Kapag nakalubog ang isang tao sa ganitong
|
|
kultura, palaging natututo ang taong iyon nang kung paano maging bahagi
|
|
ng kulturang iyon, sa iba't-ibang antas.
|
|
</p>
|
|
<p>Ang isang napakapayak na halimbawa ay isang bagay tulad ng isang
|
|
tasa. Maaaring gamitin sa iba't-ibang bagay ang bagay na ito, pero
|
|
ipinapahiwatig ng hugis nito ang isang "kaalaman" hinggil sa
|
|
pagdadala ng mga likido. Ang isang mas masalimuot na halimbawa ay isang
|
|
online na kurso - hindi lamang ang "hugis" ng mga software
|
|
tool ang nagsasabi ng ilang bagay kung paano tatakbo ang mga online na
|
|
kurso, kundi pati ang mga aktibidad at tekstong nilikha ng buong pangkat
|
|
ay makakatulong na humubog sa asal ng isang tao sa loob ng pangkat na
|
|
iyon.<br />
|
|
</p>
|
|
</blockquote>
|
|
<h3>4. Connected at Separate</h3>
|
|
<blockquote>
|
|
<p>Sinusuri ng ideyang ito nang mas malalim ang mga motibasyon ng
|
|
mga indibidwal na kalahok sa isang diskusyon. Ang
|
|
<strong>separate</strong> na asal ay kapag tinatangka ng isang tao na
|
|
manatiling 'obhetibo' at 'factual', at mas makiling sa pagtatagol ng
|
|
kanilang mga ideya sa pamamagitan ng lohika upang makakita ng mga butas
|
|
sa mga ideya ng kanilang katunggali. Ang <strong>Connected</strong>
|
|
na asal ay mas "emphatic" na dulog na tumatanggap sa pagkasuhetibo,
|
|
tinatangkang makinig at magtanong upang maunawaan ang pananaw ng ibang
|
|
tao. Ang <strong>Constructed</strong> na asal ay kapag ang isang tao ay
|
|
sensitibo sa dalawang dulog at may kakayanang pumili ng alinman sa
|
|
dalawa alinsunod sa kung alin ang naaangkop sa sitwasyon.</p>
|
|
|
|
<p>Sa pangkalahatan, ang pagkakaroon ng masiglang "connected" na
|
|
asal sa isang komunidad ng pag-aaral ay isang makapangyarihang
|
|
pampasigla sa pag-aaral, di lamang nito lalong pinagbubuklod ang mga tao
|
|
kundi nagpapaunlad din ito ng mas malalim na pagre-reflect at
|
|
muling pagsusuri ng mga kasalukuyan nilang paniniwala.
|
|
</p>
|
|
</blockquote>
|
|
<hr />
|
|
<p>Kapag pinag-iisipan mo na ang mga isyung ito, makatutulong ito sa
|
|
iyong magfocus sa mga karanasang mas makabubuti sa pag-aaral mula sa
|
|
pananaw ng mag-aaral, sa halip na paglalathala at pagsusuri lamang ng
|
|
mga impormasyon na inaakala mong kailangan nila. Makakatulong din ito
|
|
sa iyong maunawaan kung paano ang bawat kalahok sa isang kurso ay
|
|
maaaring maging guro at mag-aaral din. Maaaring magbago ang tungkulin
|
|
mo bilang 'guro' mula sa pagiging 'balon ng kaalaman' sa pagiging
|
|
taga-impluwensiya at modelo ng kultura ng klase, na nakikipag-ugnayan sa
|
|
mga mag-aaral sa isang paraang personal na tumutugon sa kanilang
|
|
pangangailangan sa pag-aaral, at lakandiwa ng mga talakayan at aktibidad
|
|
sa isang paraan na kolektibong gumagabay sa mga estudyante patungo sa
|
|
layuning pang-edukasyon ng klase.
|
|
</p>
|
|
|
|
<p>Siyempre pa, hindi ipinipilit ng Moodle ang ganitong estilo ng
|
|
pag-aasal, sa halip ay sinasabi namin na ito ang pinakamagaling na gamit
|
|
ng Moodle. Sa kinabukasan, kapag tumatag na ang teknikal na
|
|
imprastraktura ng Moodle, magiging adhikain ang marami pang
|
|
pagpapaunlad sa suportang panturo sa pagdebelop ng Moodle.
|
|
</p>
|
|
|
|
</blockquote>
|
|
<hr />
|
|
<p align="CENTER"><font size="1"><a href="."
|
|
target="_top">Dokumentasyon ng Moodle</a></font></p>
|
|
<p align="CENTER"><font size="1">Bersiyon: $Id$</font></p>
|
|
</body>
|
|
</html>
|