moodle/lang/tl_utf8/help/picture.html

51 lines
1.9 KiB
HTML

Pag-aaplowd ng larawan

Puwede kang mag-aplowd ng larawan mula sa iyong kompyuter sa server
na ito, at ang larawang ito ay gagamitin sa iba't-ibang lugar upang
makatawan ka.

Dahil dito, ang pinakamaiging larawan ay mga close-up ng mukha mo,
pero puwede kang gumamit ng anumang larawan na gusto mo.

Ang larawan ay dapat na nasa JPG o PNG na format (a.b. ang mga
pangalan ay karaniwang nagtatapos sa .jpg o .png).

Puwede kang makakuha ng file na larawan sa pamamagitan ng alinman sa
apat na paraan:

Gamit ang digital camera, ang larawan mo ay malamang na nasa
kompyuter mo na at nasa tama nang format.

Maaari kang gumamit ng scanner na pangscan ng nakaprint na
photograph. Tiyakin lamang na isinave mo ito sa JPG o PNG na format.

Kung artistic ka, puwede kang magdrowing ng larawan sa pamamagitan
ng isang paint program.

Panghuli, puwede kang "magnakaw" ng mga larawan sa web.
http://images.google.com
ay isang magaling na pook para sa paghahanap ng mga larawan. Kapag
nakakita ka na, "iright-click" mo ang mga ito sa pamamagitan ng mouse at
piliin ang "Isave ang larawang ito..." mula sa menu (may kaunting pagkakaiba
ang nakasulat sa iba't-ibang kompyuter).

Para maiupload ang larawan, iklik ang "Tumingin" na buton sa pahina ng
pageedit na ito at iselect ang larawan sa hard disk mo.

TALA: Tiyakin na ang file ay hindi mas malaki sa maksimum na laking
nakalista, kundi ay hindi ito maaplowd.

Pagkatapos ay iklik ang "Baguhin ang
Pagkakakilanlan Ko" sa ibaba - ang larawan ay
makacrop sa isang parisukat at paliliitin sa 100x100 pixel.

Kapag ibinalik ka na sa pahina ng pagkakakilanlan mo, maaaring hindi pa
nagbabago ang larawan. Kung ganito ang nangyari, gamitin mo lamang ang
"Reload" na buton ng browser mo.