moodle/lang/tl_utf8/help/lesson/nextpageaction.html

31 lines
1.6 KiB
HTML

Aksiyon pagkatapos ng isang Tamang Sagot

Ang karaniwang aksiyon ay sundan ang paglukso na itinakda sa sagot.
Sa kadalasang kaso, marahil ay ipapakita nito ang Susunod na
Pahina ng aralin. Ang mag-aaral ay aakayin sa aralin sa isang
makatwirang paraan, umpisa sa simula at magtatapos sa dulo.

Magkagayonman, ang modyul na aralin ay maaari ring gamitin bilang
isang uri ng Flash Card na takdang-aralin.
Ang mag-aaral ay papakitaan ng ilang impormasyon (opsiyonal) at isang
tanong sa isang random na kaayusan. Walang nakatakdang simula at walang
nakatakdang dulo. Basta isang set lamang ng mga Baraha na
ipapakita ng isa-isa nang walang partikular na kaayusan.

Ang opsiyon na ito ay nagpapahintulot ng dalawang magkamukhang
variant ng gawi ng Flash Card. Ang opsiyon na "Ipakita ang isang
dinakikitang pahina" ay hindi kailanman nagpapakita ng parehong
pahina nang dalawang ulit (kahit na hindi sinagutan ng mag-aaral
ang tanong na kaugnay ng Baraha/Pahina nang wasto). Ang isa pang
di-default na opsiyon ay "Ipakita ang dinasagutang pahina", na
nagpapahintulot sa mag-aaral na makita ang mga pahina na marahil ay
naipakita na pero tangi kung mali ang sagot nila sa kaugnay nitong
tanong.

Sa alinman sa dalawang tipong-Flash Card na araling ito,
makapagpapasiya ang guro kung gagamitin niya ang lahat ng Baraha/Pahina
ng aralin o (random) lamang na subset. Ito ay ginagawa sa pamamagitan
ng "Bilang ng mga Pahina (Baraha) na ipapakita" na parameter.