moodle/lang/tl_utf8/help/surveys.html

141 lines
5.5 KiB
HTML

Mga magagamit na sarbey

Sa kasalukuyan, may dalawa lamang na partikular na uri ng survey ang
mayroon sa Moodle (sa mga susunod na bersiyon makakagawa ka na ng sarili
mong sarbey.)

Pinili ang mg available na survey dahil itinututing namin silang
kapakipakinabang sa pagevaluate ng mga online learning environment na
gumagamit ng constructivist pedagogy. Nagagamit sila sa pagtukoy ng
ilang trend na maaaring nagaganap sa mga kalahok mo.
(Kung gusto mong makabasa ng papel na ginagamit ito sa isang detalyadong
pagsusuri, tingnan ang:
http://dougiamas.com/writing/herdsa2002)

COLLES - Constructivist On-Line Learning Environment Survey

Ang COLLES ay binubuo ng maiigsing 24 na pahayag, na pinangkat sa
anim na iskala, bawat isa ay tumutulong sa ating sagutin ang isang
mahalagang tanong tungkol sa kalidad ng on-line learning environment:

Kabuluhan

Makabuluhan ba ang on-line learning sa pagpapraktis ng propesyon
ng mga mag-aaral?

Reflection

Nakagaganyak ba ang on-line learning sa critical reflective na
pag-iisip ng mga mag-aaral?

Interactivity

Hanggang saan lumalahok ang mga mag-aaral sa mayamang
pang-edukasyong talakayan?

Suporta ng mga Guro

Gaano kahusay tinutulungan ng mga guro ang mga mag-aaral sa
paglahok sa on-line na pag-aaral?

Supporta ng Kapwa Mag-aaral

Nagbibigay ba ng sensitibo at nakapagpapalakas-ng-loob na
suporta ang mga kapwa mag-aaral nila?

Interpretasyon

Nagkakaunawaan ba ang mga mag-aaral at guro sa kanilang mga
on-line na komunikasyon?

Ang nasa likod ng dynamic na pananaw sa pag-aaral na ito ay ang
bagong teoriya ng pag-unawa: social constructivism, na inilalarawan ang
ang mag-aaral bilang isang aktibong conceptualiser na nakapaloob sa
isang socially interactive learning environment (panlipunang
interaktibong kapaligiran ng pag-aaral). Ang social constructivism ay
isang epistemolohiya, o isang paraan ng pag-unawa, kung saan ang mga
mag-aaral ay nagtutulong-tulong nang may pagsusuri sa kanilang ginagawa
upang sama-samang makalikha ng mga bagong pagkaunawa, lalo pa sa
konteksto ng mutual nilang pagtatanong hinggil sa mga bagay-bagay, na
nakaugat sa kanilang mga personal na karanasan.

Ang sentro ng bayanihang ito ay ang pagpapaunlad sa kakayanang
makipag-usap ng mga mag-aaral, alalaong baga'y, abilidad na
makipagtalakayan nang bukas at may pagpuna sa tama at mali--pareho sa
guro at mga kapwa mag-aara. Ang talakayang ito ay kakikitaan ng
oryentasyong emphatic sa pagbubuo ng reciprocal na pag-unawa, at
kritikal na aktitud sa pagsusuri ng mga inaakala sa likod ng mga
katotohanang ipinapalagay na totoo.

Ang COLLES ay dinesayn upang mamonitor mo kung hanggang saan mo
nagamit ang interactive na kapasidad ng World Wide Web sa pagpapalahok
ng mga mag-aaral sa dynamic na mga paraan ng pagkatuto.

(Ang impormasyong ito ay inadapt sa COLLES page. Marami pang
impormasyon hinggil sa COLLES at sa mga may-akda nito sa:
http://surveylearning.com/colles/)

ATTLS - Attitudes to Thinking and Learning Survey

Ang teoriya ng 'mga paraan ng pagunawa', nagsimula sa larangan ng
gender research (Belenky et al., 1986) ay nagbibigay sa atin ng
instrumentong pang-survey na ginagamit sa pagsusuri ng kalidad ng
talakayan sa loob ng collaborative environment.

Ang Attitudes Towards Thinking and Learning Survey (ATTLS) ay isang
instrumentong pinaunlad ni Galotti et al. (1999) upang masukat kung
hanggang saan maituturing ang isang tao na 'connected knower' (CK) o
'separate knower' (SK).

Ang mga taong may mas mataas na CK iskor ay mas nageenjoy sa
pag-aaral, at karaniwan ay mas cooperative, congenial at mas handang
magdagdag sa ideya ng iba, samantalang iyong may mas mataas na iskor SK
iskor ay mas kritikal at mas mahilig makipagtalo habang nag-aaral.

Ipinakita ng mga pananaliksik na ang dalawang paraan ng pag-aarl ay
independiyente sa isa't-isa (Galotti et al., 1999; Galotti et al.,
2001). At saka, repleksiyon lamang ang mga ito ng aktitud sa pag-aaral,
at hindi ng kapasidad sa pagkatuto o katalinuhan.

Belenky, M. F., Clinchy, B. M., Goldberger, N. R., & Tarule, J. M.
(1986). Women's Ways of Knowing: The Development of Self, Voice, and
Mind. New York: Basic Books, Inc.

Galotti, K. M., Clinchy, B. M., Ainsworth, K., Lavin, B., &
Mansfield, A. F. (1999). A New Way of Assessing Ways of Knowing: The
Attitudes Towards Thinking and Learning Survey (ATTLS). Sex Roles,
40(9/10), 745-766.

Galotti, K. M., Reimer, R. L., & Drebus, D. W. (2001). Ways of
knowing as learning styles: Learning MAGIC with a partner. Sex Roles,
44(7/8), 419-436.