moodle/lang/tl_utf8/help/quiz/adaptive.html

42 lines
2.3 KiB
HTML

<p style="text-align: center"><b>Mode na Umaangkop</b></p>
<p>Kapag pinilì mo ang &quot;Oo&quot; para sa opsiyon na ito, ang
mag-aaral ay pahihintulutan na sumagot nang maraming ulit sa isang
tanong, kahit sa iisang pagkuha ng pagsusulit. Halimbawa, kung ang
sagot ng mag-aaral ay minarkahan na malî, ang mag-aaral ay
pahihintulutan na muling sumagot kaagad. Subali't kadalasan ay may
parusa ito na babawasan ang iskor ng mag-aaral sa tuwing may maling
pagtatangka na sumagot (ang halaga ng parusa ay itatakda ng paktor na
parusa, na itatakda sa susunod na opsiyon).
</p>
<p>Pinapahintulutan din ng mode na ito ang mga umaangkop na tanong, na
nagbabago alinsunod sa sagot ng mag-aaral. Narito ang depinisyon ng IMS
QTI specification sa umaangkop na tanong (mga aytem):</p>
<blockquote><cite> Ang umaangkop na aytem ay isang aytem na umaangkop ang
itsura, o iskor (Pagpoproseso ng Sagot), o pareho bilang tugon sa bawat
pagsagot ng kandidato. Halimbawa, maaaring magsimula ang isang
umaangkop na aytem sa pamamagitan ng pagbibigay sa kandidato ng isang
kahon na lalagyan ng teksto, nguni't kapag nakatanggap ito ng ditamang
sagot ay magbibigay naman ito ng isang simpleng pagpipilian ng mga
sagot, at maggagawad ito ng mas mababang marka sa mga susunod na wastong
sagot. Ang pag-angkop ay nagpapahintulot sa mga awtor na lumikha ng mga
aytem para sa "formative" na sitwasyon, na gumagabay sa mga kandidato na
maggawa ang isang ibinigay na trabaho habang nagbibigay din ng resulta
na binibigyan pansin ang landas na dinaanan nila bago matapos ang
trabaho</cite>
</blockquote>
<p>Sa mode na umaangkop, may dagdag na <?php print_string('mark',
'quiz') ?> na buton na ipapakita sa bawat tanong. Kapag pinindot ng
mag-aaral ang buton na ito, ang sagot sa partikular na tanong na ito ay
ipapasa para malagyan ng iskor at ang marka na nakuha ay ipapakita sa
mag-aaral. Kung ang tanong ay umaangkop na tanong, ito ay ipapakita sa
bagong kaanyuan nito na kinukonsidera ang sagot ng mag-aaral at sa
maraming kaso ay hihilingin ang mag-aaral na magbigay ng isa pang sagot.
Sa pinakasimpleng umaangkop na tanong, ang bagong kaanyuan na ito ay
maaaring magbago lamang sa teksto ng puna at hihilingin ang mag-aaral na
tangkain muling sumagot; Sa mas komplikadong tanong, ang teksto ng
tanong at maging ang mga sinasagutang elemento ay maaaring magbago. </p>